c. 2005. Muni muni sa kalye.

Pinakabago

All I Can Share

Straight from the rock
Gushed forth the waters
From the heavens
Opened the sunshine and rain
From the Heavenly Father
Love that cannot fail
And this love He promised,
This love He shared
This love imparted
Is the only love
I know and see
This love I understand
Is the love to you I share.
.
From the mountaintop
You came below
From the highest portions
To lowest of lows
Walked among us
Bore our sorrows
Lived among us
And died for our woes
Bore all our guilt and shame
What love is this, I cannot name
But this love you have given
Is all I can share.

Open Letter Para Sa Pinakamamahal ko

Sa pinakamamahal koNaalala mo ba nung magsimula tayo

Nung una tayong magkausap 

Mga bandang alas kwatro

Madilim pa noon at wala pang tao

Sinabi ko sayo ang lahat ng nadarama ko

Mula noon di na kita iniwanan

Sinamahan kita sa simula pa lang

Naalala mo ba noong kolehiyo

Noong ginagawa ko ang thesis mo

Pinatayo ka pa sa harapan ng klase

nakita kitang kabadong kabado

Pero tingnan mo? Di ba sabi sayo kaya mo

Sabi sayo nandito ako para sayo

Naramdaman mo ba ang aking kamay

Pinulupot ko sa mga daliri mo

Nakapila ka noon sa unang mong interbyu

Tinawag mo pa ako eh nandito na ako sa tabi mo

Sabay pa kaya tayong pumasok sa loob ng kwarto

Sabi nama sayo nandito lang ako

Tanda mo pa ba tuwing papasok ka sa trabaho

Inalalayan kita nung nag-amok yung mga tambay sa kanto,

Tsaka nung hinabol ka nung nagwawalang aso, 

Nagpatawag pa ako ng sikad nung baha sa inyo

Pinangako ko sayo gagawin ko lahat para sayo.

Naramdaman mo ba yakap ko

Nung iniwanan ka ng ex mo

Puro iyak ka noon buong gabi nag-usap tayo

Naisip ko ambisyoso ‘to eh di naman naging kayo

Umasa ka naman kasi masyado eh di naman siya para sayo

pero Nakinig na lang ako

Bakit kasi siya ang pinili mo

Eh nandito nga ako, paano tayo?

Sana lagi mo akong mapansin na nakatitig sayo

Buong atensyon mo ibaling na lang sa akin

Pangako di kita iiwanan o ipagkakalulo

Samahan mo lang ako, paliligayahin ko buhay mo

Konti lang naman ang hiling ko

Anim na araw gawin mo lahat ng gusto mo

Magsasayaw ka, makipaglandian sa ibang tao

Pero sa huling araw, sa ikapito

Sana ako ang kitain mo, ipapakita ko pagmamahal ko

Kilalanin mo ko, halika mag-usap tayo

Simple lang naman ang hiling ko, di ba?

Sana kahit iyon magawa mo, 

Pangako buong buhay mo magbabago

Teka humahaba na ang sulat ko

basta Tandaan mo nandito lang ako

Hihintayin kita sa ikapito

Nagmamahal at lubos na umaasa, 

Ang iyong Dakilang Ama.

Mag-isa

Mag-isa
Sa ilalim ng bilog na buwan
Umusbong
sa pagitan ng mga puno
Inaalam
Kung saang mundo kakapit
Ipipilit
Ang bugso ng dibdib, o
Magkukubli
Sa Takot na maulit ang dati

.

Nag-iisa
Nagmumuni sa ibabaw ng buhangin
Inaalala
Ang mga nakalipas na panahon
Nakaupo
Sa dalampasigan kasama ang alon
Nilimot
Ngunit nagbabalik ngayon
Pipigilan
O lalakad at babangon?

.

Mag-isa
Taimtim na kausap ang hangin
Sumisigaw
Sa katahimikan ng langit
Napapaisip
Kung tama ba ang sinasapit
Hinihiling
Sa kapangyarihan ng panalangin
Maibigay
Kaluwalhatian ng damdamin.

Saradong Aklat

100_9899.JPG

Isasara ko na ang aklat
Bago ko pa man buksan
Dahil kung nagkataon
Sigurado bubulwak ang laman.

.

Hindi ko na din titingnan
Unang pahina o nilalaman
Sapagkat di isang biro
Ang tunay na kalalabasan.

.

Ibaon na lang sa aklatan
Hayaang maalikabukan
Dahil kung tutuusin
Wala itong kahihinatnan.

.

Wari ko na ang istorya
Narinig na bawat isang pahina
Dahil hindi ito ang unang nobela
Inulit na lang ang pagsasadula.

.

Bahala ka kung gustong buksan
Basta siguraduhin mong
Kakayanin mo ang nilalaman
Kung hindi, huwag nang pakialaman.

.

Sa pagbukas wag ako sisihin
Pinagsabihan kita di mo pinansin
Sapagkat aklat na iyong binusisi
Ay kwento ng isang taong sawi.