c. 2005. Muni muni sa kalye.

Pinakahuli / Pinakabago

Habang Magkalayo Tayo

Sa panahong malimutan mo
Na may nagmamahal sayo
Sa lahat ng pagkakataon
Ipapaalala ko sayo

Sa panahong mapansin mo
Na magkalayo tayo
Ipanatag ang loob mo
Pagkat puso ko ay nasa iyo.

Sa panahong minulat ang iyong mata
At hindi mo ko marinig o makita
Huwag kang mag-alala
Sa bawat panalangin ko nariyan ka.

Sa panahong naramdaman mo
Na hindi kita mahagkan
Ang Diyos na higit nagmamahal sayo
Ang siyang babalot sayo.

Pagpasensyahan na Mahal ko
Kung ngayon magkalayo tayo
Sa panahong maari na, umasa ka
Kakaripas ako papunta sayo.

Habang Tumatagal


Habang tumatagal
Kung ano ano na ang naganap
Kung ano ano na ang pinagdadaanan
Nagsiksikan lahat sa iisang buwan

Habang tumatagal
Tila papahirap na ng papahirap
Kahit saang bahagi ng mundo
May matinding kaguluhan
Nagsimula sa muntikang sagupaan sa disyerto
Hindi pa natatapos ang gulo
Heto naman malawak na gubat naging abo
Hindi pa tuluyang natutupok ang apoy
Bulkan naman ang pinagsamang apoy at abo
Pero hindi pa dito natatapos ang delubyo

Habang tumatagal
Lalong lumalala
Hindi pa nakakalagpas buwan
Buong mundo ay nagulantang
Hindi pa natatapos ang balita
Sa pagkamatay ni Kobe at Gigi
Ito naman sumulpot ang nCOV

Habang tumatagal
Ito na ang mundo
Nagkakagulo na ang mga tao
Walang lugar na pwedeng magtago
Walang tao ang nakasisigurado
Walang paawat ang pasakit ng demonyo

Habang tumatagal
Ganito ang mundo
Habang tumatagal
Ganito rin ang mundo ko
Tulala, nagimbal, nagtatataka
Ganito siguro kapag sa sarili umaasa
Sinimulan ko ang taon
Bitbit ang pag-asang makakaahon
Ngunit hindi naglaon
Lugmok sa salat na kabuhayan
Lagapak sa salaping kailangang itapon
Sunod sunod, walang tigil
Hindi ko na alam ang gagawin
Hindi alam kung paano babangon.

Isa na lamang ang aking pinanghahawakan
Isa na lamang ang hinding hindi bibitawan

Sapagkat habang tumatagal
Papalapit nang papalapit nang palapit
Ang Iyong pagdating
Marami ang nakalimot at nadala ng takot
Marami ang nagsisuot sa lungga
Marami ang nayayamot
Ngunit hindi nga ba ikaw din ang nagsabi
Ang lahat nang ito ay pasimula ng hudyat
Lahat nang ito ay senyales
Lahat nang ito ay pabalat
Upang huwag kaming matakot
Walang dahilan upang magimbal

Hindi magtatagal
Matatanaw din natin ang dulo
Sa kabila ng lahat ng pagdurusa dito
Sinabi mo
Buburahin mo lahat ng luha ko
Lahat ng pasakit, lahat ng hinagpis
lahat ng hinanakit, lahat ng pagtitiis
Sa dulo, pagbaba na pagbaba mo
Masasambit mo:
“Mga anak, tapos na ang dusa mo
Tara na, umuwi na tayo”

Kaya habang tumatagal
Huwag tayong matakot
Huwag tayong mayamot
Dahil lahat nang ito
Umpisa pa lang ng sigalot
Ngunit sa dulo
Tandaan ang pangako:
Ang kanyang galit, ito’y panandalian,
ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan.
Sa buong magdamag, luha ma’y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.
Mga Awit 30:5

All I Can Share

Straight from the rock
Gushed forth the waters
From the heavens
Opened the sunshine and rain
From the Heavenly Father
Love that cannot fail
And this love He promised,
This love He shared
This love imparted
Is the only love
I know and see
This love I understand
Is the love to you I share.
.
From the mountaintop
You came below
From the highest portions
To lowest of lows
Walked among us
Bore our sorrows
Lived among us
And died for our woes
Bore all our guilt and shame
What love is this, I cannot name
But this love you have given
Is all I can share.

Open Letter Para Sa Pinakamamahal ko

Sa pinakamamahal koNaalala mo ba nung magsimula tayo

Nung una tayong magkausap 

Mga bandang alas kwatro

Madilim pa noon at wala pang tao

Sinabi ko sayo ang lahat ng nadarama ko

Mula noon di na kita iniwanan

Sinamahan kita sa simula pa lang

Naalala mo ba noong kolehiyo

Noong ginagawa ko ang thesis mo

Pinatayo ka pa sa harapan ng klase

nakita kitang kabadong kabado

Pero tingnan mo? Di ba sabi sayo kaya mo

Sabi sayo nandito ako para sayo

Naramdaman mo ba ang aking kamay

Pinulupot ko sa mga daliri mo

Nakapila ka noon sa unang mong interbyu

Tinawag mo pa ako eh nandito na ako sa tabi mo

Sabay pa kaya tayong pumasok sa loob ng kwarto

Sabi nama sayo nandito lang ako

Tanda mo pa ba tuwing papasok ka sa trabaho

Inalalayan kita nung nag-amok yung mga tambay sa kanto,

Tsaka nung hinabol ka nung nagwawalang aso, 

Nagpatawag pa ako ng sikad nung baha sa inyo

Pinangako ko sayo gagawin ko lahat para sayo.

Naramdaman mo ba yakap ko

Nung iniwanan ka ng ex mo

Puro iyak ka noon buong gabi nag-usap tayo

Naisip ko ambisyoso ‘to eh di naman naging kayo

Umasa ka naman kasi masyado eh di naman siya para sayo

pero Nakinig na lang ako

Bakit kasi siya ang pinili mo

Eh nandito nga ako, paano tayo?

Sana lagi mo akong mapansin na nakatitig sayo

Buong atensyon mo ibaling na lang sa akin

Pangako di kita iiwanan o ipagkakalulo

Samahan mo lang ako, paliligayahin ko buhay mo

Konti lang naman ang hiling ko

Anim na araw gawin mo lahat ng gusto mo

Magsasayaw ka, makipaglandian sa ibang tao

Pero sa huling araw, sa ikapito

Sana ako ang kitain mo, ipapakita ko pagmamahal ko

Kilalanin mo ko, halika mag-usap tayo

Simple lang naman ang hiling ko, di ba?

Sana kahit iyon magawa mo, 

Pangako buong buhay mo magbabago

Teka humahaba na ang sulat ko

basta Tandaan mo nandito lang ako

Hihintayin kita sa ikapito

Nagmamahal at lubos na umaasa, 

Ang iyong Dakilang Ama.